Roziel Tina Habdusan:
Topnotcher ng ALS A&E Test 2014

Dahil dito, nakapagpatuloy ako ng high school sa tulong ng ibang tao. Ngunit dumating ang pagkakataong napuno ako sa ganoong buhay at naiba ang aking landas. I started drinking, skipping classes, at nagkaroon ng boyfriend. Nabuntis ako when I was in 3rd year high school. I was 14 years old. Dahil dito, natigil ako sa aking pag-aaral.

Ilang beses din akong nagsumikap bumalik sa formal school matapos akong manganak, pero, lagi akong natitigil kasi inuuna ko na ang kapakanan ng aking anak. Until I heard about ALS. At first, noong 2012, nag-enroll ako sa ALS, pero, hindi ko kinaya ang gastusin sa pamasahe, kaya tumigil din ako.

Noong 2014, nag-enroll ako ulit sa division office ng Sorsogon at mas napagaan ang pag-aaral ko kasi sa mismong barangay namin ay meroon nang ALS learning center. Sabado lang ang schedule na kinuha ko. Iyon lang kasi ang araw na puwede ako. Si sir Juancho Arias ang facilitator ko na nagtiyaga talaga upang makapagreview ako, dahil nga naawa sya sa akin at gusto nya akong tulungan.

bumalik...        ituloy ang pagbasa...i-click ang link...