Iah Seraspi


image credit: ABS-CBN News screen grab

Mahirap maging mahirap. Pero para kay Iah Seraspi, isang dalagang taga Romblon, mas mahirap ang taong walang pangarap. Ayon kay Iah, siya ay isang testimonya na ang kahirapan ay hindi hadlang sa tagumpay. Mahirap man ang kanilang kalagayan, nairaos niya ang kanyang pag-aaral. Isa siyang top-achiever ng kanyang klase mula elementarya hanggang high school. At nang magtapos siya sa kolehiyo sa kursong Edukasyon o pagiging guro, siya ay isang Cum Laude. Noong Setyembre 2015, noong siyay kumuha ng pagsusulit sa Licensure Examination for Teachers o LET, nasungkit niya ang 2nd Place sa naturang eksaminasyon. Alamin ang kanyang kuwento dito.

Source: ABS-CBN News