Hello and welcome back! Napakalaki na nang epekto ng COVID-19 sa buong mundo at ramdam na ang mga ito pati sa ALS Community. Ngunit gayon pa man tuloy ang laban dito sa ALS. At alam niyo bang ito na ang best time for you to enroll in ALS? Alamin sa ating video update! Click the video.
To help ALS learners master the skills, we have included a compilation of ALS questions here. Check out the video!
The next video will discuss about the rule of three in Ratio and Proportion Check out the video!
COVID-19, isang uri ng coronavirus na kumakalat ngayon sa ibat-ibang bahagi ng mundo, kinatatakutan at nakamamatay dahil wala pang nadidiskubreng bakuna, panlaban o lunas. Ano nga ba ang mga coronaviruses? Paano ito natuklasan? Paano ito nasasagap ng isang tao? Anu-ano ang mga simtomas na makikita sa taong apektado nito? At paano ito malalabanan?
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Binuksan na ng DepEd ang pagpapalista para sa mga nagpaplanong pumasok sa formal education system sa taong 2020-2021. Ito’y nagsimula pa noong Pebrero 1, 2020 at tatagal ito hanggang Marso 6, 2020.
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Nagpalabas ngayon ang DepEd ng memorandum para himukin ang mga regional at division offices ng DepEd na magsumite ng mga pangalan ng mga gurong pagpipilian para maipadala sa bansang Korea para sa Korea-Philippines Teacher Exchange Programme 2020.
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Inilathala ng World Bank ang kalagayan ng Alternative Learning System o ALS sa Pilipinas base sa report ng Philippine Statistics Authority. Ayon sa naturang report, binansagan ang ALS bilang pangalawang pagkakataon ng mga Out-Of-School Youth and Adults upang mapaunlad ang kanilang kakayahan o tinatawag na "human capital". Narito ang mga pangunahing kalagayan ng ALS sa bansa ayon sa ulat na ito.
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Pinarangalan ng DepEd ang mga Alternative Learning System (ALS) Mobile Teachers at District ALS Coordinators (DALSCs) bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagganap ng tungkulin sa pagpapatupad ng mga programa ng ALS.
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Inilabas na ng DepEd ang Notice of Award para sa ahensiyang maglilimbag at mag-iimbak ng mga Accreditation and Equivalency (A&E) Test Booklets at Non-Classified Materials, paglilimbag ng mga Scannable Answer Sheets at Certificates of Ratings, kasama na ang pagproseso sa Resulta at Statistical Data, gayundin ang pag-deliver at paglikom ng mga A&E Test Materials para sa ALS A&E Test 2019.
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Inilabas na ng DepEd ang resulta ng ALS A&E Test para sa batch 2018 test takers. Ito'y pagkatapos ng mahigit dalawang buwang paghihintay ng mga ALS learners pagkatapos ng test noong Pebrero at Marso. Narito ang listahan ng mga qualifiers para sa junior high school.
tingnan ang A&E Test result dito...click here...Isa na namang nakapagbabagong-buhay na pangyayari ang naganap ngayong araw Pebrero 24, 2019. Libu-libong mga ALS learners ang nagtungo ngayon sa mga DepEd testing centers upang kumuha ng ALS-A&E Test. Isang makasaysayang kaganapan ito dahil sa ang mga test takers ngayon ay kasama sa huling batch ng mga ALS learners bago ipatupad ang bagong sistema ng ALS program ng DepEd.
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Naitanong mo na ba ang mga ito?
Kailan ang test ng ALS-A&E?
Magkakasabay ba ang Test sa buong bansa?
May JS Prom ba ang ALS?
May matatanggap ba akong high school diploma sa ALS?
at iba pa...
Alamin ang mga kasagutan dito Common Questions in ALS
Isa sa mga nakatutulong sa mga learners ng ALS ang pakikipagtalastasan sa mga katulad na nagrereview sa pamamagitan ng group chat. Gayon pa man, karamihan sa mga group chats ay hindi maayos ang pagkakagamit. Minsan inaabuso ito ng mga ibang members. Kung gusto mo ng maayos na GC, basahin ang ating mga guides sa paggamit nito ng tama. Kapag nabasa mo na ito at nasisiguro mong kaya mong gawin ang mga panuntunan, i-click lang ang link ng aming group chat.
Ipagpatuloy ang pagbasa, i-click ang link...Puwede pa ring dumiretso sa kolehiyo ang lahat ng mga pumasa na sa ALS A&E Test sa taong ito, 2018. Kasama rin dito na puwede pang dumiretso sa kolehiyo ang mga kasalukuyang nag-aaral pa ng ALS sa taong ito ng 2018 na kukuha pa lang ng A&E test sa susunod na taong 2019, bastat silay makapapasa sa naturang pagsusulit. Sila ay maituturing pa ring bahagi ng lumang kurikulum ng ALS bago ganap na ipatupad ang bagong kurikulum sa 2019.
Ipagpatuloy ang pagbasa, i-click ang link...Isa ka bang ALS passer? Alamin ang mga hakbang kung paano mag-apply ng Senior High School Voucher Program sa artikulong ito. I-click ang link.
Good morning ALSIANS! Isang issue ang patuloy pa ring mainit sa gitna ng mga passers ng ALS at ALS learners. Ito yung kung dapat bang pumasok muna sa SHS o dapat dumiretso na sa College ang mga makakapasa sa A&E test ng ALS. Hati sa ngayon ang mga opinyon. Ang iba ay may pagdududa sa kakayahan nilang sumabay sa kolehiyo, kaya minamabuti nilang sa SHS muna para maihanda ang sarili. Pangalawa, ang mga may edad na karamihan, at ang mga atat nang makatapos ng pag-aaral at maaaring may kompiyansa sa kanilang kakayahan ay gustong dumiretso na sa college. Kaya naman may isinusulong ngayong #ALS4COLLEGE at may mga pag-uusap na nagaganap para aralin ito base sa mga alituntunin ng DepED. Mabuti po ito!!!
ipagpatuloy ang pagbasa...click here...Ibinaba ng DepEd ang passing rate sa 60% para sa mga kumuha ng ALS A&E Test batch 2016 na ginanap noong buwan ng Nobyembre 2017 mula sa naunana nang itinakdang 75%. Ito ay pagkatapos umani ng batikos ang DepEd dahil sa napakababang bilang ng mga pumasa sa naturang eksaminasyon noong nakaraang Nobyembre. Ayon sa datos ng DepEd mula 38% na passing turnout sa elementarya sa nakaraang pagsusulit ay 16.5% lang ang pumasa sa elementary level samantalang mula 57% to ay bumaba naman sa 15.6% ang pumasa para Junior High School.
Click the link to read more...Taong 2018, isang makahulugang taon para sa mga learners ng ALS na kasalukuyang nagrereview. Ito ay isang timeline na magpapabago sa kanilang kinabukasan. At sa mga naghihintay ng resulta ng kanilang A&E Test noong nakaraang Nobyembre, excited na ba kayong lumabas ang A&E result? Huwag mainip at malapit na! At habang naghihintay, patuloy na hasain ang inyong mga skills. Iplano na rin ang mga susunod na hakbang na gagawin ninyo. Pagkatapos ng ALS test ano ang susunod? Kapag makapasa anong kurso ang inyong kukunin? Alalahanin na ang ALS ay isang "TURNING POINT" lamang. Depende pa rin sa inyo kung paano ninyo gagamitin ang oportunidad na ito upang mabago ang inyong kinabukasan.
Sa taong ito, 2018, asahang mas madami tayong puwedeng gawin sa ating website. May extension program na rin tayo, ang ALS-COED, kung saan hinihikayat namin kayong mag-signup para makinabang sa mga programa nito. Gusto nating makatulong at makagawa ng mga makabuluhang aktibidad para sa ating mga ALS learners and passers, kasama na rin ang ating mga masisipag na IM at teachers ng ALS. Siyempre, gusto naming isama ang mga iba pang magkakainterest sa ating mga programa, mga ALS learners man o hindi. Kaya pagkatapos magreview dito sa ALS Reviewer Philippines, bisitahin din ang ating partner site, ang www.als-coed.com. Dito, inaasahan nating magkaroon ng learners community na maaaring makatulong sa ating mga programa, hindi lang sa aspekto ng pagrereview kundi pati na rin sa mga iba pang proyektong makakatulong sa mga kasapi. At dahil sa inyong pagtitiwala, ang ALS Reviewer Philippines ay maglalaan ng "seed capital" para sa ALS-COED upang tumulong sa kanilang programa. Kaya huwag kalimutang magregister sa ALS-COED. Salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala sa ating mga online projects.
Edgar ManongdoAdmin
Posted: January 3, 2018Ang Accreditation and Equivalency Tests (A&E Tests) ay mga pagsusulit na isinasagawa na naglalayung sukatin ang kaalaman at kakayahan sa buhay ng mga kabataan o may edad nang mamamayang Pilipino na hindi nakatapos ng elementarya o sekondarya.
ipagpatuloy ang pagbasa, i-click ang link...
Isang hangarin para sa lahat ang maging matagumpay. Maraming pangalan ang nakikilala na silay matagumpay sa kanilang mga ginagawa. Pero para sa karamihan, parang napakailap ang oportunidad.
Halimbawa, sa larangan ng negosyo. Napapansin mo ba na kapag may isang matagumpay na negosyo, mamaya maraming komokopya dito? Kung dati ay walang barbecue-han sa plaza at may nakapag-isip magtinda ng barbecue, sa susunod na araw baka may magsusulputan ding barbecue-han dahil ang sa akala nila maganda itong opurtunidad at naging mabenta ang mga naunang gumawa nito.
Sa puntong ito, ating tingnan kung ano ang pangmalas ng isang matagumpay na negosyante tungkol sa kung paano mahahanap ang isang opurtunidad upang magtagumpay.
i-click upang ipagpatuloy ang pagbasa...
Hangad ng Department of Education na palawigin at pagandahin pa ang programang Alternative Learning System o ALS upang ito’y kilalanin sa larangan ng edukasyon sa ibang bansa. Ito ang isa sa mga prayoridad ng Department of Education sa kasalukuyang pamunuan ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones. Ayon kay Secretary Briones, hindi dapat maiwan ang mga ALS learners sa planong modernisasyon ng edukasyon sa Pilipinas. Tinatayang umaabot sa apat na milyong kabataan ang hindi nag-aaral ngayon sa formal education system kasama na ang karagdagan pang ALS target learners na kasalukuyang nagtratrabaho sa ibat-ibang larangan na hindi pa nakakapagtapos ng basic education o yung edukasyon sa elementarya at sekundarya. Ayon kay Secretary Briones ang hamon sa ating mga mag-aaral ng ALS ay ang pagkilala sa kanilang natapos na edukasyon mula sa ALS ng mga ibang bansa katulad ng pagkilala sa formal na edukasyon. Kailangan ’aniya na magkaroon ng pag-aayon o equivalency para sa ALS sa larangang pang-international upang ang mga ALS graduates ay kilalanin din sa ibang bansa.
Iniharap kamakailan ni Secretary Briones ang anim na punto para sa modernisasyon ng edukasyon sa bansa sa ginanap na na 6th APEC Education Ministerial Meeting sa Lima, Peru. Ang mga anim na puntong ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: 1) Pagkakaroon ng sapat na impormasyon para makagawa ang mga mambabatas ng mga batas para sa pagpapaunlad ng edukasyon sa bansa. 2) Pakikipagtulungan ng mga ibat-ibang pribadong sector sa gobyerno upang maragdagan ang pundo para sa mga programang pang-edukasyon 3) Pagpapatupad ng mga management at financial reforms sa pamamagitan ng pagpaplano, real-time management information system, at monitoring and evaluation 4) Pagpapaunlad sa larangan ng research upang matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon sa 21st century 5) Pagpapalawig at pagpapasulong ng programang Alternative Learning System o ALS upang ito’y kilalanin sa larangan ng edukasyon sa ibang bansa at pagkakaroon ng equivalency programs patungkol sa ALS. 6) Pagpapatupad ng mga experimentasyon na siyang magbubukas ng mga bagong sistema ng pagtuturo.
Iginiit pa ni Briones na ang K-12 ay hindi lang patungkol sa pagdaragdag ng taon sa formal na sistema ng ating edukasyon sa bansa kundi ang pagkakaroon ng edukasyong makapapantay sa sistema ng edukasyon ng mga ibat-ibang bansa sa mundo kung kayat dapat itong matuon sa pagpapaunlad at pagkakaroon ng dekalidad na edukasyon.
WRITER: Edgar Manongdo SOURCE: DepEd