Paano Makahanap ng Oportunidad para Magtagumpay?

1) Palaging maging positibo.
"Kung may ideya ka at naniniwala ka rito, ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa", ang sabi ni Jack Ma. Kahit lahat ay hindi naniniwala, ang importante ay mayroon kang mga matibay na basehan at patuloy na maging positibo. Noong kanyang sinimulan ang ALIBABA, sinabi niyang walang naniniwala sa kanya. Kinuwestyun ang kanyang layunin dahil hindi naman siya magaling sa computer at kung bakit gusto niyang pasukin ang negosyo sa internet. Sa kabila nito ang sabi ni Jack Ma, patuloy pa rin siyang naniwala at nagsumikap tuparin ang kanyang pangarap. Hindi siya natinag sa mga oposisyon sa kanyang layunin. Paano ngayon mahahanap ang oportunidad? Ang sabi niya, "Ang oportunidad ay matatagpuan sa mga larangang kung saan may reklamo ang mga tao. Kapag nagrereklamo ang mga tao tungkol sa isang bagay o serbisyo, dapat nating isipin kung paano mareresolba ito. Kung may maiisip tayong magandang paraan upang magawan natin ito ng solusyon, ito ay magandang oportunidad." Ayon kay Jack Ma, kung ang isang bagay ay marami nang naniniwala at marami nang gumagawa, hindi ito ang tamang oportunidad para sa isa. Naniniwala ka ba dito? i-click upang magpatuloy sa pagbasa...