Paano Makahanap ng Oportunidad para Magtagumpay?

2) Gumawa kasama ng mga taong naniniwala sa iyong ginagawa.
Hindi mahalaga na ang mga tao ay naniniwala sa inyong ginagawa. Ang mahalaga ay ikaw ay naniniwala sa iyong ginagawa at ang iyong mga kasamang katulong mo sa paggawa ay may nagkakaisa kayong layunin at paniniwala. Ipagpatuloy ang paggawa upang tupartin ang inyong pangarap. Kapag mayroong nagkakaisang aksyon ang isang grupo para sa ikatutupad ng kanilang layunin, mas lalo silang gaganahang magtrabaho para sa ikatutupad nito.

3) Tulungan ang iba para magtagumpay sila.
Kapag gumagawa, kailangan huwag ipagkait ang tulong sa iba. Kung tumutulong ka at nagtatagumpay ang iyong mga tinutulungan, balang araw kasama kang magtatagumpay, sabi ni Jack Ma.

4) Patuloy na gumawa ng mga hakbang para mapaunlad ang iyong kakayahan.
Ang mga kaalaman ay hindi lang sa eskuwelahan matatagpuan. Natuto si Jack Ma na magsalita ng English hindi dahil sa pumasok siya sa magagandang eskuwelahan kundi dahil naghanap siya ng mga paraan para mapaunlad ang kanyang kaalaman, Isa na dito ang pagsasalita ng English kung kayat naibababahagi niya ngayon ang kanyang kaalaman dahil marunong siya sa wikang ito. Natuto siyang magsalita ng English hindi sa paaralan kundi sa pamamagitan ng pagtulong na magtranslate para sa mga dayuhang bumibisita sa kanilang lugar. At ginagawa niya ito ng libre kaya naman nakakalibre din siya sa pag-aaral ng English. i-click upang magpatuloy sa pagbasa...