ACCREDITATION AND EQUIVALENCY TEST (ALS-A&E Test)

Mga Impormasyong Dapat Malaman

Posted: April 6, 2017

Ano ang A&E Test
Ang Accreditation and Equivalency Tests (A&E Tests) ay mga pagsusulit na isinasagawa na naglalayung sukatin ang kaalaman at kakayahan sa buhay ng mga kabataan o may edad nang mamamayang Pilipino na hindi nakatapos ng elementarya o sekondarya. Kapag naipasa ito, magkakaroon ng certificate of completion ang isa na magagamit niya upang tanggapin siya at maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa pormal na edukasyon o kaya ay gamitin sa paghahanap ng trabaho, pagsasanay o para mapataas ang antas sa kasalukuyang trabaho.

1) Ang resulta ay gagamitin para sa pagbibigay ng alternatibong paraan ng certification sa mga makapapasa nito.
Gagamitin ang resulta upang:
a. Makita kung nakaaabot sa pamantayan o standards ang mga nagtatapos dito sa ibat-ibang antas
b. Paunlarin ang mga pamamaraan sa pagtuturo
c. Sukatin ang kagalingan ng serbisyong pang edukasyon sa bansa
d. Magkaroon ng basehan sa pagrebisa at paggawa ng mga polisiyang pang edukasyon

i-click upang ituloy ang pagbasa...