Tayong nilalang ng Diyos ay may kanya-kanyang kwento sa buhay. May malungkot, masaya, nakakatuwa, ngunit ano mang damdamin ang kalakip nito siguradong may mga kaakibat namang tagumpay. Mayron ding isang natatanging kuwento ang aking buhay na sana'y kapulutan nyo rin ng aral at inspirasyon upang patuloy kayong magsumikap sa pagtupad ng inyong mga pangarap.
Ako si Flocerfida Santos, 29 years old at taga Hagonoy,Bulacan. I'm one of the Altenative Learning System (ALS) passers Batch 2015. Bago ako pumasok sa ALS ay mayroon na akong asawa at mga anak. Apat na batang lalake. 3rd year high school ako noon at nag-aaral sa Intramuros Manila H.S.. Doon ko nakilala ang lalake na ngayo'y aking asawa.
Makalipas ang ilang buwan ng aming pag-aaral ako ay nabuntis dahilan para kami ay mahinto sa pag-aaral at mauwi dito sa Bulacan.Tutol man ang aming mga magulang ay pinindigan namin ang nagawang kamalian.Dito namin naranasan ang lahat ng hirap sa buhay at sa pagbuo ng pamilya sa mura naming edad. Mahirap ang pagbuo ng pamilya sa kagaya namin na sa murang edad, hindi nakatapos ng pag-aaral at walang magandang hanapbuhay. Sabi nga nila "nasa huli ang pagsisi", pagsisi na sana'y nagtapos kami muna ng pag-aaral. Sa kabila nito, akoy nanalig din sa kasabihang "habang buhay may pag-asa", at yun ang pag-asang makapag-aral muli at tuparin ang naudlot na pangarap. Ang pag-asang ito ay hatid ng ALS sa aming lugar sa pamamagitan nila maam Jolly mary Dubiao at sir Leonardo Victorino Santos. Isa sila sa mga kinasangkapan ng ALS upang maghatid ng magandang balita sa aming mga kabataan, may edad at may asawa na nais muling ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Isa ako sa nahikayat nila at nagpursiging makapasok dito. Hirap man sa katayuan bilang may asawa, may anak at nagtatrabaho din ako bilang isang sewer dito sa aming lugar. Ika nga "time management" na akin namang gingawa. 🙂 Sa aking pagsisikap, pagiging masigasig at mabuting pakikinig sa mga itininuturo ng aking mga guro ay aking naipasa ang ALS A&E test at nagtapos ng may karangalang bilang isa sa BEST IN ESSAY WRITING. Pagsisikap at determinasyon ang aking puhunan upang matapos ko ang ikalawang yugto ng aking pag-aaral na lubos kong pinagpapasalamat sa bumubuo ng ALS. Alam ko na dahil dito marami ang matutupad na pangarap upang patunayan na hindi hadlang ang kahirapan at edad upang makatapos ng pag-aaral.
Sa ngayon ay nagnanais pa rin akong makapagkolehiyo ngunit wala pang pagkakataon para dito dahil ang atensyon naming mag-asawa ay nasa apat naming anak. Sa ngayon kasi tatlo na ang nag-aaral kaya hindi ko pa maisingit ang aking pagkokolehiyo. Ito lang ang aming magagawa para mabigyan ang aming mga anak ng magandang kinabukasan sa hinaharap.
Salamat sa pagbabasa sa aking kwento nawa'y nakapaghatid ito sa inyo ng aral na hindi dapat minamadali ang mga bagay-bagay sa ating buhay bagkus ito ay ating planuhing mabuti at makinig sa ating magulang upang mapabuti ang ating kinabukasan sabi nga ni lola nidora sa aldubyu #SaTAMANGPANAHON.
I'm blessed and i thank God for everyday for everything that happens to me. To sir Leonardo Victorino Santos at maam Jolly Mary Dubiao thank you so much po for your help and guidance. 😗 😗 😗 🙂
Thank you also to sir Edgar Martinez Monongdo sa pagbibigay daan sa kuwento ng aking buhay. Thank you so much po and God bless you all.