Simula Ng Pangarap...karugtong

Pangulo ako sa aming batch. Maraming nangyari. Mga kaganapang habang-buhay ay mananatili sa aking ala-ala at ito'y hinding hindi ko makakalimutan. Dumating na ang araw ng pagsusulit. Kinakabahan ngunit malaki ang tiwala ko sa aking sarili na ako'y makakapasa. At bago ang lahat ay humingi ako ng katalinuhan sa Panginoon. Lord, tulungan mo po ako, kaming lahat at nawa ay magtagumpay kami, dalangin ko. Dininig ng Diyos ang aking panalangin! Matapos ang ilang buwan ng paghihintay pagkatapos ang A&E Test,inilabas ang resulta. Yehey! Nakapasa ako! Nakapasa kami ng mga kapatid ko, kami ng mga co-learners ko! Walang pagsidlan ang naramdaman kong kaligayahan. Hindi ako makapaniwala. Lahat ng pagsasakripisyo at pagsisikap na aking pinagdaanan ay nagbunga ng tagumpay. Tagumpay na walang sinuman ang maaaring magnakaw at hindi mababayaran ng kahit anong halaga. Mas naging higit ang aking kagalakan ng ianunsyo ni Sir Gerard na ako ang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa lahat ng kanyang learners. "Emily you made it! This is it. You are the valedictorian!" Yan ang kanyang sabi habang kausap ko siya sa telepono. Speechless ako. Nayakap ko si nanay habang basa ng luha ang aking mga mata. Ganito pala ang pakiramdam ng isang matagumpay, sambit ko sa aking sarili. Abril taong 2014 nang kami ay umakyat sa stage upang tanggapin ang bunga ng aming pagsisikap, ang aming diploma at natatanging award mula sa mga namumuno ng ALS.

ituloy ang pagbasa...i-click ang link...