Malaki ang naitulong ng ALS sa akin at sa aking mga kapatid. Dahil dito ako ay nakatapos ng sekondarya. Nagamit ko ang aking diploma upang makapangibang-bansa. Sa kasalukuyan ako ay isang OFW dito sa Oman. Ipinagdarasal ko rin na balang araw ako ay makapasok sa kolehiyo. Gusto kong maging isang guro, maging isang ALS Mobile Teacher kung may pagkakataon. Hindi masama ang mangarap. Sabi nga nila, libre lamang ito. Ngunit ang pangarap ay mananatili lamang na pangarap kapag hindi ito sinamahan ng gawa. Dream, believe and survive! Mga katagang kapag ating pinanghawakan, tiyak na tayo ay makararating sa ating paroroonan. Hindi man madali ngunit maniwala lamang tayo sa kapangyarihan ng ating pangarap para sa ating sarili, sa ating kakayahan at tayo ay magtiwala sa ating Panginoon.
Maraming -maraming salamat po Sir Edgar Martinez Manongdo sa pagkakataong iyong ipinagkaloob sa akin na maibahagi ang aking kuwento. Nawa ay magsilbi itong inspirasyon sa ating mga readers at higit sa lahat sa mga Learners ng ALS!
Special thanks din po sa mga naging daan ng aming tagumpay.
Dr. Josie C. Palioc
EPS1-ALS
Dr. Rhoda T. Razon
Schools Division Superintendent
Schools Division Office
Cabanatuan City
Gerard DC. Carlos
ALS Mobile Teacher
Edgar Martinez Manongdo
Admin of ALS Reviewer Philippines
Paul James F. Dadez
ALS Passer batch 2011
Mark Joseph F. Dadez
ALS Passer batch 2012
Joshua F. Dadez
ALS Passer batch 2013
Essayist of the Year
Angelica F. Dadez
ALS Passer batch 2013
Emily F. Dadez
ALS Passer batch 2013
Leadership Awardee
Valedictorian