Mga Karaniwang Tanong at mga Kasagutan tungkol sa ALS

Tanong: Gaano kahaba ang pag-aaral ng ALS?
Sagot: Taon-taon ay nagkakaroon ng mga pag-aaral sa ALS. Depende sa schedule at hanggang matapos ang mga modules. Alamin ang inyong kalagayan at mga pamamaraan ng gagawin sa inyong lugar.

Tanong: Pagkatapos mag-aral ng ALS, ano ang susunod na gagawin para makapasok sa kolehiyo?
Sagot: Pagkatapos mong mag-aral ng ALS, kailangang dumaan ka sa isang pagsusulit o test na tinatawag na ALTERNATIVE AND EQUIVALENCY TEST o A&E Test. Dalawang kategorya ito. May para sa mga gustong magtapos ng elementarya at may para sa mga gustong magtapos ng high school. Kapag kualipikado ka at naipasamo ang A&E Elementary level, puwede ka nang mag enroll sa high school sa susunod na pasukan o magpatuloy na mag-aral ng mga modules na pang-highschool para makapagtest ng A&E Secondary level. Para sa mga kualipikadong mag test ng A&E Secondary level, kapag silay nakapasa maaari na silang mag-enroll sa senior high school o Grade 11 ng formal school. Kailangang tapusin ang dalawang taon pa bago kualipikadong mag-enroll sa kolehiyo. Ang batch 2015 learners ng ALS ang siyang huling sakop ng batas na maaaring dumiretso sa kolehiyo, ang mga batch 2016 ay kailangan nang mag senior high school.

uliting basahin...bumalik sa unahan...