Mga Karaniwang Tanong at mga Kasagutan tungkol sa ALS


Tanong: Anu-ano ang mga requirements o kinakailangang dokumento upang matanggap sa ALS?
Sagot: Kapag magpapalista sa ALS, magdala ng mga sumusunod


• two (2) latest ID photo (size 2” x 2” )
• any ONE of the following proofs of identification:
- birth certificate
- postal ID
- voter’s ID
- TIN/SSS card/GSIS ID card
- driver’s license
- valid passport
- Form 137

Tanong: May bayad ba ang pag-aaral sa ALS?
Sagot: Wala, libre ang programang ALS. Ang gobyerno ay naglalaan ng pondo para dito.

Tanong: Kailan ginaganap ang ALS Classes?
Sagot: Depende ito sa inyong available na schedule. Ang mga ibang learning centers ay nagkakaroon ng pag-aaral araw-araw, ang mga iba ay naglalaan ng angkop na schedule para matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral.

Tanong: Pwede bang sa bahay namin na lang akong mag-aral ng ALS dahil hindi ako makaalis sa bahay?
Sagot: Pwede naman, pakiusapan ang inyong mga ALS implementors at hilingin ito sa kanila, depende kung anong kalagayan ninyo, maaaring ikonsidera nila.

mga iba pang mga katanungan at kasagutan tungkol sa ALS...i-click