Mga Karaniwang Tanong at mga Kasagutan tungkol sa ALS

Tanong: Kanino po ako makakukuha ng karagdagang impormasyon para makapag-enroll sa ALS?
Sagot: Kung gusto ninyong makapag-enroll sa ALS sa inyong lugar, hanapin ang mga taong nakakaalam ng programang ito sa lugar ninyo. Ang mga sumusunod ay maaari kang tulungan:
1) District Supervisor ng DepEd na matatagpuan ang opisina sa DepEd District Office.
2) District ALS Coordinator o DALSC na nakabase din sa District Office ng DepEd.
3) Mobile Teachers na matatagpuan sa inyong lugar, pwede rin silang ipagtanong sa District Office ng DepEd.
4) Instructional Managers o IM ng ALS- sila ang mga teachers ng ALS na pumupunta sa mga ibat-ibang lugar na pinagdarausan ng mga ALS classes.
5) Ang mayor ng inyong bayan, dapat alam niya itong programa ng ALS
6) Sangguniang Bayan na may hawak ng Committee on Education sa munisipyo
7) Kapitan ng barangay sa inyong lugar
8) Konsehal ng barangay na may hawak ng Committee on Education sa inyong lugar.
9) Mga dating nag-aral ng ALS
10) Mga kasalukuyang nag-aaral ng ALS sa inyong lugar

mga iba pang mga katanungan at kasagutan tungkol sa ALS...i-click