Pumanaw na kahapon ang tinaguriang "The Greatest" sa larangan ng boksing na si "Muhammad Ali", siya ay 74 na taong gulang.
Naging sikat si Ali dahil sa kanyang pagiging tatlong beses na World Heavyweight Champion sa boksing. Tinagurian siyang "Sportsman of the Century" ng Sports Illustrated at "Sports Personality of the Century" ng BBC. Sumikat din siya dahil sa kanyang tahasang pagtutol sa Vietnam War, gayon na din sa kanyang pagkamakata na habang inihuhula ang kahihinatnan ng kanyang laban, nagbibitaw siya ng mga katagang may tugma o kaya'y tula. Minsan sinabi niya "Float like a butterfly, sting like a bee. The hands can't hit what the eyes can't see."
Tuso rin si Ali. Kadalasang nagbibigay siya ng pang-inis na pantawag sa kanyang mga kalaban. Isang halimbawa na dito ang ibinansag niya kay Joe Frazier na nakalaban niya ng tatlong beses, kung saan ang pangatlo ay sa Manila sa Pilipinas noong Oct. 1, 1975. Kanyang binansagan si Frazier ng "The Gorilla" at para ipromote ang labang iyon siya'y nagdala ng laruang rubber na gorilya at sinusuntok-suntok ito sa kanyang news conference. Naging bahagi ang Pilipinas sa kanyang kasikatan dahil sa Manila ginanap ang tinaguriang "Thrilla in Manila". Sa labang iyon sinabi ni ALI; "It's going to be a killa and a thrilla and a chilla when I get the gorilla in Manila."
Makulay ang buhay ni Muhammad Ali, sikat siyang boksingero, mayaman, kilala. Nagwakas man ang buhay niya kahapon, tiyak na siya'y nag-iwan ng tatak na di na kailanman mabubura.
Sources and research URLs: