Katuloy...Mga Tulong sa Paghahanda sa ALS Test

4) Sagutin ang mga review exercises sa iyong mga modules na hindi sinisilip ang sagot sa binasang aralin.
Karaniwan nang ang bawat aralin sa ALS ay may kasunod na maikling quiz o pagsusulit. Sagutin ang mga ito na hindi bumabalik sa aralin. Subukan ang iyong aktuwal na kakayahan. Karaniwan nang kapag sumasagot tayo sa mga pagsusulit na kasunod ng isang leksyon ay sinisilip natin sa lakesyon yun g sagot sa hindi natin masagot na tanong. Mali ang gawaing iyon. Mas magandang sagutan muna ang mga tanong saka iwasto ito at balikan ang mga tanong na hindi nakuha ng wasto. Sa pamamagitan nito malalaman moa ng iyong kagalingan at kahinaan.

5) Magkaroon ng checklist ng mga leksyong inaaral.
Madaming modules na kailangan mong taposin. Dapat magkaroon ng checklist kung alin ang iyong natapos na at hindi pa. Sa pamamagitan nito malalaman mo kung natapos mo nang lahat o hindi pa ang lahat ng mga modules. Baka naman paulit-ulit mo nang binasa ang ilang modules o leksyon ay hindi mo pa pala nababasa ang ibang mga leksyon o modules. Sa ganitong paraan, matatapos mong lahat ang mga modules dahil mayrooon kang listahan ng mga natapos mon a.

Mga karagdagang tips...i-click dito