Katuloy...Mga Tulong sa Paghahanda sa ALS Test

6) Ikuwento sa iba ang iyong mga napag-aralan.
Sa pamamagitan ng pagkukuwento lalo pang naikikintal sa iyong isipan ang iyong mga napag-aralan. Sabihin ito sa iyong sariling pananalita at pang-unawa. Maaaring ikuwento ito sa nakababatang kapatid, nakatatandang kapatid, mga magulang o kamag-anak. Siyempre pa masayang ikuwento ito sa mga parehas na mag-aaral ng ALS. Sa pamamagitan ng pagkukuwento, malalaman mo rin ang kaisipan ng iba at maikukumpara ang sarili mong pang-unawa. Baka naman nagkamali ang iyong pang-unawa at maitutuwid ka ng iyong mga napagkuwentuhan. Kung mausisa naman ang kausap, magtatanong ito at doon lalabas ang mga impormasyong iyong napag-arala. Kung hindi mo masagot ang mga ibang tanong, maaaring balikan ang aralin o kayay magsaliksik sa iba pang mga babasahin o sa internet.

7) Gawing kasiya-siya ang pagbabasa at pag-aaral ng mga aralin.
Kung napipilitan ka at hindi ka masaya sa iyong ginagawa, hindi rin handang tanggapin ng iyong utak ang mga impormasyong iyong binabasa. Kaya umisip ng mga nakasisiyang motibo sa iyong ginagawa. Halimbawa, isiping ang iyong ginagawa ay isang paghahanda para sa mas magandang kinabukasan, mas maayos na trabaho at mas masayang pamumuhay. Sa gayon mas insipirado kang gawin ang lahat nang iyong paghahanda.

Mga karagdagang tips...i-click dito