Roziel Tina Habdusan:
Topnotcher ng ALS A&E Test 2014

Iniwan kami ni papa dahil nagtago siya sa batas, but after a year sumuko din sya. Nang makulong na sya talagang nahirapan kami, hanggang sa nakahanap si mama ng ibang karelasyon na hindi naman nalalayo ang occupation sa papa ko...drug pusher din siya! Di rin nagtagal, nahuli sya kasama ang mama ko. Then, BOOM! Para kaming naging mga ulila!

I was in grade six, siyam kaming magkakapatid. Ang bunso namin ay 3 months lang noon. Ang aming panganay na kapatid ay hindi nakatira sa amin. Kaya kaming tatlong malalaki na mula kay kuya Bing, kuya Mel at ako, ang naging in-charge sa mga nakababata naming kapatid, which was really hard sa isang 11 years old na tulad ko noon!

Noong grade six ako, gumawa kami ng schedule sa aming tatlong magkakapatid kung sino ang papasok sa paaralan at kung sino muna ang maiiwan sa bahay para magbantay. Sa panahong iyon, mayroon akong classmate na nalaman ang kuwento ng buhay ko at humingi siya ng tulong sa lola nya na may mataas na tungkulin sa DAR. Her grandmother gave me a scholarship. Kinuha nya ako at ang bunso naming kapatid upang pag-aralin. Ang kuya Bing ko naman ay kinopkop ng kumpare ni papa kasi magkokolehiyo na siya noon. Ang aming bunso ay ipinaampon din, pati ang sumunod sa akin at sumunod din sa kanya, pati ang sumunod pa. Nagkawatak-watak kaming magkakapatid.

bumalik...        ituloy ang pagbasa...i-click ang link...