Pinarangalan ng DepEd ang mga Alternative Learning System (ALS) Mobile Teachers at District ALS Coordinators (DALSCs) bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagganap ng tungkulin sa pagpapatupad ng mga programa ng ALS. Ang naturang parangal ay ginanap noong ika-12 ng Disyembre, 2019 sa lungsod ng Dapitan sa pamamagitan ng ALS Task Force ng Office of the Assistance Secretary for ALS.
Kabilang sa mga tumanggap ng parangal ang mga 17 regional awardees na naninilbihan sa mga mahihirap at liblib na lugar kabilang na ang mga apektado ng kaguluhan. Ang mga naturang awardees ay nagpakita ng dedikasyon at kasipagan sa pagganap ng kanilang atas sa pagpapalaganap ng "basic education" sa bansa sa pamamagitan ng ALS.
Ang mga ito ay dumaan sa pagsusuri ng kani-kanilang Schools Division Offices at Regional Offices base sa personalidad at karakter, kagalingan at propesyunal na pagsulong, kanilang mga nagawa at naidulot na kabautihan sa mga mag-aaral, at pag-unlad ng komunidad.
Narito ang listahan ng mga tumanggap ng parangal.
Lorna M. Calletong (Mobile Teacher, Region I)
Alona T. Torres (Mobile Teacher, Region II)
Ednalyn E. Fajardo (DALSC, Region III)
Theresa H. Criste (DALSC, Region IV-A)
Mia Jara A. Pintor (DALSC, MIMAROPA)
Gil S.B. Depositario (Mobile Teacher, Region V)
Jaspare V. Barrido (Mobile Teacher, Region VI)
Rima D. Erames (Mobile Teacher, Region VII)
Rosemarie G. Rey (Mobile Teacher, Region VIII)
Josefina R. Macario (DALSC, Region IX)
Marsan H. Alvarez (DALSC, Region X)
Jinglebert P. Collado (Mobile Teacher, Region XI)
Alma D. Libres (Mobile Teacher, Region XII)
Renante C. Cabalang (DALSC, Cordillera Administrative Region)
Romar B. Amolo (DALSC, CARAGA)
Isnaira J. Haron (DALSC, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao)
Evie G. Madolid (DALSC, National Capital Region)
Binati ni DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones ang mga gurong nabanggit kasama na ang lahat ng mga ALS teachers dahil sa kanilang natatanging serbisyo.Sinabi ni Briones na makatutulong ito sa mga learners upang magkaroon din sila ng magandang buhay sa hinaharap kahit na hindi sila makapag-aral sa formal school system. Ayon kay Briones, ito'y isang natatanging pamana ng kasalukuyang administrasyon.
Source: DepEd