Warning: include(../meta1.php): failed to open stream: No such file or directory in /home/alsreviewer/public_html/ALS-Update-2015-passers-pasok-sa-kolehiyo/index.php on line 11

Warning: include(../meta1.php): failed to open stream: No such file or directory in /home/alsreviewer/public_html/ALS-Update-2015-passers-pasok-sa-kolehiyo/index.php on line 11

Warning: include(): Failed opening '../meta1.php' for inclusion (include_path='.:/opt/php54/lib/php') in /home/alsreviewer/public_html/ALS-Update-2015-passers-pasok-sa-kolehiyo/index.php on line 11

ALS-A&E Passers Batch 2015, Pasok pa rin sa Kolehiyo sa School Year 2016-2017


Posted: April 15, 2016

Maraming mga tanong ang natatanggap ng ALSREVIEWER.COM gaya ng mga sumusunod: "Kukuha na ba ng senior high school ang mga makakapasa sa ALS-A&E Test sa buwang ito ng Abril 2016?", "Totoo po bang hindi na kailangang kukuha ng Grade 11 at Grade 12 ang mga ALS passers ngayong buwan ng Abril 2016?", "Tatanggapin pa kaya sa kolehiyo sa susunod na pasukan 2016-2017 ang mga passers ng ALS-A&E ngayong Abril 2016 o yung batch 2015?" "Kasali ba ako sa batch 2015 kung papasa ako sa Abril 2016 na ALS-A&E Test?".

Ayon sa resulta ng aming pagsasaliksik, siguradong tatanggapin pa sa kolehiyo ang mga makakapasa sa ALS-A&E Test sa buwang ito ng Abril 2016. Ito ang napag-alaman ng ALSREVIEWER.COM sa DepEd sa pamamagitan ng Education Specialist na si Madam Marithel Bacsa. Ayon sa kanya ito ay base sa ipinalabas na kautusan ng Kagawaran ng Edukasyon kaugnay ng bagay na ito. Alinsunod dito ang mga makakapasa ng A&E Test sa Abril 2016 (o sila ang Batch 2015 ng ALS) ay kasali pa sa mga makakapag-enrol nang diretso sa kolehiyo o unibersidad sa school year 2016-2017 sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Ibig sabihin nito na hindi na kailangang dumaan pa sa grade 11 at 12 ng bagong K-12 curriculum ang mga makakapasa sa test na sisimulan bukas Abril 16, at sa Aril 17, 23 at 24. Ito ang nilalaman mismo ng kautusan ng DepEd base sa paliwanag na kalakip dito. Dahil dito, itinuturing na “make or break” ang pagsusulit sa taong ito para sa mga mag-aaral ng ALS na nakatakdang kukuha ng A&E test bukas Abril 16, 2016 at sa Linggo Abril 17, 2016 gayon na din sa mga kukuha pa ng pagsusulit sa Abril 23 at 24, 2016. Tingnan ang mismong paliwanag ng DepEd order kaugnay dito. I-click and link...

(DepEd)
By: Edgar Manongdo

About the writer: The writer had been an experienced newswriter, radio reporter and news anchor for radio. In the past, he had served at DZSO, Bombo Radyo La Union and at DZNL Radio, San Fernando City, La Union, Philippines.