Ang Tipo kong Kandidato

Parang isang manliligaw sa aking paningin, na gagawin ang lahat upang aking mapansin. Lahat ng matatamis na salita ay kanyang sasabihin, at ipapangako na ibibigay ang buwan at mga bituin upang ako ay pasagutin. Subalit gaya ng isang umiibig, ako ay may katangian na hinahanap din. Ano nga ba ang tipo Kong kandidato?

Isang responsable at may pusong totoo. Na hindi bingi at manhid sa bawat hinaing ng tao.Bukas ang mga mata upang makita ang kahirapan ng bawat mamamayan. At malakas ang boses upang ipaglaban ang karapatan ng kanyang nasasakupan. Isang mangingibig na may paninindigan. At hindi kailaman magtataksil sa kanyang sinumpaan. Handang ilaan ang kanyang sarili sa sambayanan ng walang pag aalinlangan, At magmamahal ng walang kapalit na salapi O kayamanan ng mamamayan ng hindi natin nalalaman.

Dahil ako ay may karapatan pumili ng aking tipong kandidato. Susuriin kong mabuti ang kanyang hangarin para sa akin at sa bayan na minamahal ko. Sapagkat ang responsableng pagpili ng kandidato ay tulad ng isang taong nag hahanap ng totoong pagmamahal para sakin at sa pamilya ko. Dahil naniniwala ako na ang tipo Kong kandidato, ay ang kailangan ng bawat tao upang umanlad at maging maayos ang takbo ng pamahalaan natin sa bansang ito. --[end]--        basahin ang iba pang akda ni Celine...iclick ang link...




Writer: Celine Palma

Si Celine ay isa sa mga estudyante ng ALS na kumuha ng A&E test noong Abril 17, 2016. Isa rin siya sa mga aktibong miyembro ng ALS Reviewer Philippines FB group. Ayon sa kanya, madali niyang nasagot ang mga katanungan sa pagsusulit ng A&E. Hindi rin mahirap para sa kanya ang title na ibinigay para sa essay writing composition. Anong secreto niya? Ayon kay Celine, palagi niyang binabasa ang mga leksiyon at mga reviewers ng ALS na kanilang pinag-aralan.

Umaasa si Celine na maipapasa niya ang A&E Test. Kung makakahabol siya sa unang semestre ng susunod na school-year, pangarap niyang kumuha ng Civil Engineering. Umaasa siyang sa pamamagitan ng pagpasa sa ALS, malaking pagbabago ang makakamtan niya sa buhay sa hinaharap.