Ang resulta ng A&E Test ay batay sa mga sumusunod:
50% written assessment results - makukuha sa pagsusulit
50% portfolio content – binubuo ito ng mga sample na gawa ng mag-aaral (40%) at mga proyekto (60%) kasama na ang Sistema kung paano sinukat ang mga ito.
Ang disenyo ng pagsusulit ay parehas para sa mga regular na mag-aaral at mga may espesyal na pangangailangan
Target na Kliyente
Ang mga maaaring kumuha ng A&E ay ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System at Nonformal Education programs. Para din ito sa mga bata at kabataang di na nag-aaral sa pormal na paaralan na nagkaroon ng paghahanda para sa pagkuha nito kasama na rin ang mga adulto o may gulang nang mag-aaral na nagnanais magkaroon ng sertipikasyon.
Ang kwalipikadong edad upang kumuha ng A&E Test ay mula 12 taong gulang pataas para sa antas ng elementarya at mula 16 na taong gulang pataas para sa sekundarya.
Source: DepEd Order 55 s. 2016