Paano magsulat ng essay?

Ang panghuli ay ang paglalagay ng hawakan. Kapag nabombahan na ang lobo, huling ikakabit ang hawakan. Maaring itoy plastik na tangkay o tali. Sa katulad na paraan, ang wakas ng essay ay siyang magpapatatag sa kaisipang iyong binanggit na sa unahan ng iyong essay. Sa topikong halimbawa natin, ang kaisipang nais mong iparating ay ang iyong pagsang-ayon sa giyera kontra droga. Sa wakas, muli mong ilahad ang kaisipang ito sa ibang pamamaraan. Maaaring kang gumawa ng pagbubuod o summary ng iyong mga rason pagkatapos sasabihin mong "Ito ang mga dahilan kung bakit sinusuportahan ko ang giyera kontra droga".

Tandaan, sa hulihan ng iyong essay, kailangang alam ng iyong mambabasa ang pangunahing kaisipan o ideya na nais mong iparating sa kanya. Maliwanag ito at wala siyang pagdududa sa nais mong iparating na posisyon patungkol sa isyu. Hindi siya nanghuhula kung anong ibig mong sabihin. Tulad ng paggawa ng isang lobo ang mga bahagi nito ay sumusuporta sa isat-isa upang maging parang isang lobo na kaakit-akit at gustong angkinin ng lahat ng makakakita nito.

Alamin kung paano balangkasin ang essay. I-click ang link
Alamin ang proseso ng pagsusulat ng essay dito.
Mga karagdagan pang tips and guides sa pagsusulat ng essay... iclick dito.

basahing muli...iclick-dito.