ALS FOR COLLEGE O ALS FOR SHS?

Posted: March 31, 2018

Good morning ALSIANS! Isang issue ang patuloy pa ring mainit sa gitna ng mga passers ng ALS at ALS learners. Ito yung kung dapat bang pumasok muna sa SHS o dapat dumiretso na sa College ang mga makakapasa sa A&E test ng ALS. Hati sa ngayon ang mga opinyon. Ang iba ay may pagdududa sa kakayahan nilang sumabay sa kolehiyo, kaya minamabuti nilang sa SHS muna para maihanda ang sarili. Pangalawa, ang mga may edad na karamihan, at ang mga atat nang makatapos ng pag-aaral at maaaring may kompiyansa sa kanilang kakayahan ay gustong dumiretso na sa college. Kaya naman may isinusulong ngayong #ALS4COLLEGE at may mga pag-uusap na nagaganap para aralin ito base sa mga alituntunin ng DepED. Mabuti po ito!!!

Kung maaprobahan ang #ALS4COLLEGE, malaking pakinabang para sa mga gusto nang magkolehiyo, at itoy wala namang problema kung gugustuhin ng isa na mag SHS MUNA! Kung hindi naman maaprobahan, yan ay dahil sa kagustuhang makasabay ang mga ALSIANS sa mga standards na dapat linangin ng isang estudyanteng angkop sa college.

Ang pagsusulong na ito ay mabuti! Kapag naaprobahan, lahat ay makikinabang. Pero, hindi dapat itong TUTULAN NGUNIT KUNG MAY PAGKILOS NA GINAGAWA, HINDI NAMAN DAPAT PILITIN NG MGA NASA KABILANG PANIG NA MGA ALSIANS PARA SUPORTAHAN ITO. Dapat ang pagsuporta ay boluntaryo.

Kaya RELAX MGA ALSIANS. WALANG DAPAT PAG-AWAYAN SA PAGSUSULONG NG #ALSFORCOLLEGE. ANG GRUPO NATIN AY NABUO PARA MAGTULUNGAN PARA MATUTO NANG HIGIT PA. IPAKITA NA KAYO AY MAY EDUKASYON, MAY MODO, AT KARAPAT DAPAT SA TITULONG #ALSGRADUATE, #EDUKADONGALSIANS.

At para naman sa mga taong minamaliit ang ALS, huwag dapat! KAPAG MINAMALIIT NINYO ANG ALS, IBIG SABIHIN AY WALA KAYONG KOMPIYANSA SA KAKAYAHAN NG #DEPED SA GINAWANG PAG-AARAL AT PAGHAHANDA UPANG GAWING PATAS ANG STANDARDS NG SA FORMAL AT ALS CURRICULUM. Ang bagay na ito ay masusing inaral at daang-libo ang ginastos ng pamahalaan para lang mabuo ang PROGRAMANG ito. HINDI BASTA-BASTA ANG PAGHAHANDANG ITO.

Kapag nakapasa sa ALS A&E test, ibig sabihin nito ay may kakayahan ang graduate upang aralin at gawin ang mga kaalamang ginagawa sa formal system AYON SA LEVEL NG 4TH YEAR HIGH SCHOOL GRADUATE. Dito ito nakabase noong una pa man. Malibang ma-REVISE ang ALS Curriculum, hindi pa ito kaayon sa kaalamang dapat matutunan ng isang Grade 12 graduate. Kaya minabuti ng DepEd na ihanda muna ang mga ALS graduates para sa SHS. Gayunman, kapag pinayagan ang #ALSFORCOLLEGE, ang pagkatuto nang higit pa ay depende na sa karagdagang gagawin at paghahanda ng isang mag-aaral kung gusto niyang dumiretso sa kolehiyo. Kung hindi pa sapat ang kanyang kaalaman, maaari rin naman siyang mag senior high school muna at tiyak na papayagan yan ng DepEd!

Wala naman pong problema sa pagkakaroon ng hating opinyon. Ang problema lang sa ngayon ay ang paraan ng pagpapahayag ng ating mga saloobin. Ang iba ay nagmumura, marahil sa matinding galit sa mga IRRESPONSABLENG POSTS sa social media. Ang dalawang SIDES ay may kalabisan at may pagkakamali sa mga PARAAN NG PAGPAPAHAYAG NG SALOOBIN, HINDI PO SA OPINYONG GUSTONG IPARATING! Kaya, nawa'y matuto tayo nang higit pa, at mas maging #EDUKADONGMAYMODO!