Nagdagsaan ngayon ang mga mag-aaral ng ALS sa mga testing centers ng DepEd upang kumuha ng ALS-A&E test. Kasama na dito ang mga out-of-school youth, adult unemployed, stay at home mommies, mga nagtatrabahong di pa nakatapos ng pag-aaral at mga may kapansanang nagnanais pa ring tapusin ang kanilang pag-aaral sa elementarya at sekondarya. Makasaysayan ang kaganapang ito sapagkat ang mga learners na kumuha ng pagsusulit ay kasama sa mga last batch ng ALS bago ipatupad ang bagong kurikulum ng DepEd ALS. Kapag pumasa ang mga ito, silay may pribilehiyo pa ring dumiretso sa kolehiyo, basta maipasa ang mga entrance requirements ng mga kolehiyo at unibersidad na kanilang mapipili. Aabutin ng ilang buwan bago i-release ng DepEd ang resulta ng pagsusulit bago pumasok ang susunod na school-year ng 2019-2020.
Inaasahan ding magdagsaan ang huling batch sa susunod na linggo, Marso 3, para naman sa mga huling A&E test ng batch 2018.
Para sa mga interesadong mag-aral sa ALS, i-click ang link para sa karagdagang impormasyon.